Rowena Guanzon, Namataang ‘Nagwawala’ Sa Dinagsa Festival Sa Cadiz City!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang mga kumakalat na video, kung saan makikita ang dating Comelec Commissioner at P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon na tila 'nagwawala' sa kasagsagan ng Dinagsa Festival sa Cadiz City nitong Lunes, January 30.

Makikita pa sa video na tila may sinisigawang lalaki ang dating Commissioner. Ipinahayag pa ng uploader, puwede naman umanong mag-excuse kapag dadaanan pero ibang usapan na raw kapag may nasaktan dahil sa panduduro at pagsasabi ng masasakit na salita.

"To share awareness lang sa lahat kasi hindi ito dapat i-tolerate. Kung may posisyon ka, kawawa ang mga taong nasasakupan mo kasi ito yung ugali mo. Pwede naman mag-excuse kasi nga maraming tao pero yung manghampas ka at mangtusok ng tungkod mo ibang usapan na yan. May nasaktan na tapos mangduduro at pagsasalitaan mo kami ng masasakit na salita. Anong pagkain ba ang kinakain mo na hindi namin kinakain?" buong pahayag ng uploader na nakasalin na sa wikang Filipino. 

"Ma’am kung gusto mo na walang sagabal at malaki ang daraanan mo, sana hindi ka na lang dumalo at pumunta sa DINAGSA.

P.S kudos to cadizon at kay mayor sa payapa at magandang party" dagdag pa ng uploader.

Narito ang buong video panoorin:

 

Samantala, kumakalat naman sa tweeter, kung saan sinagot ni Rowena Guanzon ang katanungan ng isang netizen kung ano nga ba ang totoong nangyari.

“Lasing sila naninigarilyo uminom sa sidewalk. Inapakan ang paa ko. sinaway ko sinigawan pa ako. Attempted to attack me. Had to defend myself with my walking cane to stop him kasi lumalapit baka sakalin ako ng gag*,” diretsahang sagot ni Rowena Guanzon.

Samantala, may isa pang tweet na sinagot ni Rowena, kung saan ipinahayag niya na hinipuan at binugbog ang pamangkin niya kaya siya nagalit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo