Rosmar Tan at Ms. Glenda Victorio Muling Magsasalpokan!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ng kani-kanilang mga tagasuporta at tagatangkilik ng produkto ang concert na idaraos ng magkaribal na sina Glenda Victorio at Rosmar Tan-Pamulaklakin.

Ang mga concerts ay para sa kani-kanilang mga anibersaryo na parehong gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa susunod na buwan.

Ang “Pinakamakinang” na brilliant concert ni Ms. Glenda Victorio ay magaganap sa February 7, 2023.

“Registration for #PINAKAMAKINANG : The Brilliant Concert is now closed. Maraming-maraming salamat sa mga nag-register para makapunta at makapanood ng pangmalakasang concert ngayong 2023! Yayy!! Sisiguraduhin kong worth it ang punta n’yo sa Smart Araneta Coliseum! Yayanigin natin ang buong venue sa mga guest na mapapanood n’yo lalong-lalo na sa mga prizes na matatanggap n’yo,” pahayag ni Ms. Glenda sa kanyang Facebook post.

Samantala, tila hindi naman magpapahuli ang isa pang CEO ng isang skin care brand na si Ms. Rosmar Tan. Gaganapin naman ang #Pinalakas concert nito sa Araneta Coliseum sa darating na February 27, 2023. Ibinida pa nito ang mga banda na makikiisa sa kanilang kasiyahan.

“Malapit na malapit na! 1 MONTH TO GO! Grabe imagine 1st time sa buong SKINCARE INDUSTRY may nakapag-1st anniversary sa ARANETA! Ganun kalakas ang ROSMAR. Papunta palang tayo sa exciting part!,” saad pa ni Rosmar at ibinida pa ang mga bandang inaasahang magtutungo sa concert bilang guests, gaya ng December Avenue, Spongecola, Itchyworms, at Rivermaya. Handa na ba kayo? At ito pa ang pasaboooog! Meron tayong palaro kung saan puwede kayo mag-uwi ng MILYONES! Lahat ng pupunta kasali,” post naman ni Rosmar.


Tanong ngayon ng mga netizens, kaninong concert ang dadagsain ng mga tao?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo