Isyu sa Pagitan Nina Dina Bonnevie at Alex Gonzaga Muli Na Namang Naungkat!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Muli na naman pinag-uusapan ng mga netizens ang nagdaang isyu sa pagitan nina Dina Bonnevie at Alex Gonzaga.

Matatandaan na lumabas noon ang isyung hindi nagkakasundo ang beteranang aktres at ang komedyanteng si Alex Gonzaga. Hindi man nila diretsahang sinabi ang pangalan ng isa't-isa, nakonekta na ng ilang mga netizens kung sino ang tinutukoy ng bawat isa.

Sa isang panayam noon kay Dina Bonnevie, inireklamo niya ang isang batang artista na irresponsable. Samantalang sa isang vlog, sinabi naman ni Alex na pinahiya siya ng isang matandang artista.

Sa pagdiriwang ni Dina sa kanyang kaarawan kamakailan lamang ay muli na naman kinumpara ng ilang mga netizens ang mga ganap nila. Kumakalat ngayon ang isang Tiktok video kung saan tila pinasaringan ni Dina si Alex kung ano ang dapat ginagawa sa birthday cake.

“Hindi kita papahiran ng cake, magpapasalamat ako sa’yo. Cakes are to be eaten and not to be pasted on other people’s faces,” pahayag ni Dina na tila pasaring pa kay Alex Gonzaga.

Matatandaang nag-viral ang video kung saan kitang-kita ang pamamahid ni Alex ng icing sa mukha ng nagsisilbing waiter sa kanila.

Agad namang dinipensahan si Alex ng ilang mga netizens at sinabing kalimutan na lamang ang lahat at mag-move on na.


@astrudtv Happy birthday Ms. D! Ganan dapat hindi pinapahid ang cake🤧🤣🎂😘 #DinaBonnevie #birthdayparty ♬ original sound - Astrud Gil S. Lontoc

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo