Robin Padilla, Isang Responsableng Ama na Dapat Tularan!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


 Binigyan ng mga papuri nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang actor at Senador na si Robin Padilla matapos maging usap-usapan ang paglalaan nito ng oras para sa kanyang anak na si Camille.

Napahanga sila sa pagiging responsableng ama nito sa kanyang mga anak.

"Si Robin Padilla po, lahat ng kanyang mga anak ay kanyang iniintindi. Talagang inaasikaso niya. Napakaresponsable pong tatay ni Robin Padilla," panimula ni Cristy.

"Isipin mo, kailan lang nagkita sila ni Camille ang panganay niyang anak sa kalahatan na 'yan. Yung anak nila ni Lea Orosa," paglalahad pa ni Cristy.

Samantala, sa ilang mga social media post ni Robin at maging ng misis nitong si Mariel makikitang naka-bonding ng kanilang mga anak si Camille. Tulad ng mga komento ng netizens, tularan daw sana ang pagiging isang ama ni Robin na naglalaan ng oras sa mga anak at may maayos na relasyon sa mga ito sa kabila ng pagkakaroon ng panibagong pamilya. 

"At sana, ang sabi ng ating mga netizens, tularan siya ng maraming mga artistang nahihiwalay na may anak na at kinakalimutan na lamang basta ang mga suling nila."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo