Horror Queen Title ni Kris Aquino Naagaw Na ni Nadine Lustre!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Kabilang ang mga aktres na sina Nadine Lustre at Kris Aquino sa mga celebrities na pinag-usapan nina Manay Cristy Fermin sa latest episode ng Cristy Ferminute.

Sa kanilang pag-uusap ibinahagi ni Manay Cristy Fermin na nakarating sa kanya ang isang komento na tila ay nararapat ng tawaging Horror Queen si Nadine Lustre na dating title ni Kris Aquino.

“Sinasabi inagaw na raw ang korona kay Kris Aquino bilang Horror Queen,” pagpapahayag ni Cristy Fermin. 

Ibinahagi naman ni Romel ang naging pahayag ni Nadine sa isang panayam.

"Una pa lang sinasabi na nila, 'Ikaw na ang bagong Horror Queen.' Sabi naman ni Nadine, 'Naku hindi po, isa pa lang po itong nagagawa ko. Huwag naman po.'” 

“Kabog niya talaga si Kris Aquino. Horror Queen na naturingan pero wala siyang award. E si Nadine oh, una pa lang du'n sa 'Deleter,' Best Actress kaagad, diba?” pahayag pa ni Manay.

 "At nalampasan ni Nadine 'yung kinita ni Kris Aquino," dagdag naman ni Romel. 

Agad naman itong sinang-ayunan ni Cristy Fermin, “Yes... Kaya kitang-kita mo, may karapatan ang mga nagsasabi na kinabog na niya talaga si Kris Aquino.”

“Sa larangan naman ng pag-arte, talagang kabog na kabog naman niya si Kris. Huwag naman tayong magpanggap na tayo ay nagtatanong pa. Talaga naman pong hindi na kwestiyonable na di hamak namang magaling na aktres si Nadine Lustre kaysa kay Kris Aquino bagaman si Kris ay sikat na sikat, diba? Kaya kanyang-kanya talaga itong korona na ito,” muling saad ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo