Pokwang, Sinabing Pinalayas Niya Umano Si Lee O'Brian!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Ginulat ni Pokwang ang mga netizens nang sunod-sunod na isiniwalat ang totoong nangyari sa relasyon nila ng dating partner na si Lee O'Brian.

Inalmahan ni Pokwang ang isang komento ng netizen na nagsasabing nilayasan umano siya ni Lee. Ayon kay Pokwang, wala itong katotohanan dahil siya mismo ang nagpalayas rito.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Pokwang ng isang video clip na kinatuwaan ng kanyang mga tagahanga. Gayunpaman, may ilang basher ang nang-okray sa komedyante.

"Talakira kasi kaya iniwanan," pahayag ng basher.

Agad naman itong napansin ni Pokwang at kaagad na inalmahan ang pahayag na ito ng basher kung saan ipinagdidiinan niya siya mismo ang nagpalayas sa ex.

"T*nga, nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siya palamunin at limang taon walang child support! Wag ka na. Baka madamay ka sa demandahan namin hahahaha," komento ni Pokwang.

"And FYI hindi ako iniwan bwahahahaha tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas! Tanungin mo now na! Dalahirang marites, b*ba naman!" paglalahad pa ni Pokwang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo