Paolo Contis, Inilahad ang Pagkukulang ni LJ Reyes na Naging Dahilan ng Kanilang Hiwalayan!

Lunes, Enero 30, 2023

/ by Lovely


Ipinalabas ngayong lunes, January 30 ang ikalawang parte ng panayam ng King of Talk Show na si Boy Abunda sa Kapuso actor na si Paolo Contis.

Sa interview, diretsahang inamin ni Paolo Contis ang tunay na ugnayan nila ng actress na si Yen Santos. Nilinaw din niya na walang kinalaman si Yen Santos sa naging hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Matatandaang si Yen na ang kasa-kasama noon ni Paolo Contis matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating partner na si LJ Reyes.

“Tanong ko sa'yo ngayon, si Yen Santos ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ni LJ?” diretsahang tanong ni Tito Boy.

Malinaw naman itong sinagot ni Paolo Contis at inalahad pa ang pagkukulang sa relasyon nila ni LJ Reyes.

“Somehow, medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ... Napapadalas 'yung away away. I think it's kung baga combination na ng stress sa pandemic and everything. One of my biggest mistakes was hindi ko inalala 'yung mental health ni LJ. Isa 'yan sa feeling ko naging simula ng downfall namin, na hindi ko inisip 'yon. Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, alam mo yon, yung '4 times a day tayong kumain. Chill ka diyan.' Which was one of my biggest mistakes.”

“Plus 'yung pagdi-diskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanya yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems. “Plus, 'yun na nga, everytime akong nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work, may mga kalokohan din akong ginagawa,” pag-amin pa ni Paolo.

Nilinaw din ni Paolo na hindi pa sila nagdi-date ni Yen Santos habang sila pa ni LJ Reyes at nilinaw din niya ang 'as a friend' remark noon.

“Yung as a friend, nu'ng nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sina LJ noon. Nagmukhang baligtad kasi your interview with LJ came out pero wala na kami sa Baguio nu'n. So ang feeling ng tao, habang ini-interview mo si LJ, nasa Baguio ako. Pero when you were interviewing LJ, at least 10 days na silang nasa States. I left for Baguio, nasa States na sila. Hindi na kami no'n,” paglilinaw ni Paolo.



( Hide )
  1. Kung ako sayo wag kana mag anak baka iwanan mo na naman

    TumugonBurahin
  2. Self centered ka..Kakarmahin ka din sa ginagawa mo sa mga anak mo.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo