Paolo Contis Sa Paghihiwalay Nila Ni Lj Reyes, ‘Bakit Ako Magso-Sorry Sa Tao?

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Muling naitanong sa aktor na si Paolo Contis sa isang panayam ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Yen Santos, o kung ito ba ang ipanalit niya sa kanyang dating karelasyon na si LJ Reyes.

Hindi pa rin diretsahang sinagot ni Paolo ang mga katanungan, hindi nito diretsahang inamin na may romantic relationship sila ni Yen.

“Wala. Walang official na ano. Wala na akong ina-anong official. Alam mo, what you see is what you get, I think. I’m okay. Ang sa akin lang maraming mga bagay na para sa akin yung public should not care about. Yun lang ang sa akin,” paghayag ng actor.

Sa kabila ng matinding pambabatikos sa kay Paolo ng mga netizens lalo na noong sa paghihiwalay nila ni LJ na sinabayan pa ng isyu sa kanila ni Yen, nanatiling kalmado at chilax lamang si Paolo.

“Yung mga kailangan kong harapin are very private and I will fix it privately. For some reason, feeling kasi ng mga tao kailangang pag i-post mo sa social media yon na yung complete truth. Kapag hindi mo i-post, hindi nangyayari, di ba? If you don’t post it, it never happened. Yon yung tingin ng mga tao ngayon so let them enjoy that,” pagpapaliwanag ni Paolo.

Aminado naman umano si Paolo na may mali siyang nagawa noon at ise-settle niya umano ito privately.

“Ano kasi siya, eh, mentally, kailangang alam mo kung sino yung mga taong nagma-matter. I did bad things, yes, alam ko yon. Pero hindi sa tao, hindi sa tao. Bakit ako magso-sorry sa tao? Hindi naman sila…wala naman silang kinalaman sa nangyari, di ba? Kung meron man akong kailangang hingan ng tawad, kung may kailangan man akong harapin, sila yung directly involved doon sa issues. And I will fix that privately."

Nagbigay din ng mensahe si Paolo Contis sa kanyang mga bashers na kung gusto siyang i-bash ay i-bash lamang ang kanyang acting at hindi na idamay pa ang mga taong nasa paligid niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo