Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario Sinita ng Mga Netizens Sa Pag-aalaga kay Meteor!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Bagama't marami ang humahanga sa pag-aalaga at paggabay ni Whamos Cruz sa kanyang partner na si Antonette Gail sa panganganak nito, sinita naman ng ilan ang pag-aalaga nila sa kanilang anak na si Baby Metoer.

Marami ang na-excite at natutuwa sa ka-cutean ng anak nila dahil marami ang sumusunod sa bawat update ni Whamos, hindi naiwasang may ilang mga netizens na pinagsabihan at sinita ang pag-aalaga nila sa kanilang sanggol.

Sinita ng ilang netizens ang nakita nilang pagpapainom ng tubig nina Whamos at Antonette sa kanilang anak dahil delikado raw ito. Maging ang pilit na pagbubukas ni Antonette sa mata ni Baby Meteor ay sinita rin ng ilang mga netizens.

Payo nila, hayaan lamang ang mata ni Baby Meteor dahil kusa naman itong magbubukas.

“Not advisable painumin ng water ang new born mga momsh… physician asawa ko at bagong panganak lang din ako. Wag n’yo muna painumin ng tubig. At paarawan n’yo si baby para hindi manilaw, takpan ang mata para hindi masilawan.”

“Don’t give baby newborn plain water. Just give milk to baby. Give plain water him only 6 months to up. Take good care of your baby Meteor! Happy family.”

“Parang hindi sila na paalalahanan sa hospital na inanakan nila. Kawawa naman si baby. Sana walang masamang mangyari. Napaka-cute pa naman.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo