Finally Luis Manzano at Jessy Mendiola Ipinakita Na Ang Close Up Photo Ng Baby Nilang Si Baby Rosie!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Sparkle

 


Napakaganda, tisay na tisay, kulay gray ang mga mata.

Ilan lang iyan sa mga napansin ng netizens sa napakacute na bagong silang na anak ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Sa wakas ay ipinakita nila sa publiko ang unang nakabahaging close-up na larawan ni Baby Rosie noong 1st month nito.

Ngayong January 29, 2023, ipinagdiriwang ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ang 1st month ng kanilang anak na si Baby Isabella Rose Manzano, na tinatawag nilang baby Rosie o baby Peanut.

Noong una, ang mga larawang ibinahagi nina Luis at Jessy sa publiko ay sulyap lamang sa mukha ni Baby Rosie. Ngayong 1-month old na si Baby Rosie, nakita na ang kanyang close-up na larawan.

Natuwa ang mga netizen dahil ang ganda-ganda ni Baby Rosie. Blonde ang buhok niya gaya ni Jessy. Kulay abo ang mga mata. Marami ang nagsasabi na mas kamukha ni Luis si Baby Rosie ngayon.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo