Cristy Fermin, Dinepensahan Si Alden Richards Sa Ilang KathNiel Fans!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Muling napasama sa talakayan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang programa na Cristy Ferminute.

Sinabi ni Cristy na nakakatanggap ang aktor ng mga negatibong komento mula sa fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasunod ng viral interview ni Paolo Contis sa Kapuso star.

“Ang ibang mga tagahanga ng KathNiel, aba naman, ayaw tantanan si Alden Richards. Ang yabang-yabang daw ni Alden. Pakumbaba pa raw kunwari pero hindi naman,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.

“Dati na nating natalakay ito. Kaya lang sa panayam ni Paolo Contis kay Alden ay nasabi kasi Paolo na ang 'Hello, Love, Goodbye,' ang bida taga-GMA. Sabi naman ni Alden parang pleasing to the ears. Masarap pakinggan, sabi niya,” pagbabalik tanaw ni Manay Cristy.

“At ang sabi ng ibang mga KathNiel (fans), ewan ko lang kung totoong KathNiel itong nagpo-post na ito ha, kasi kilala ko ang mga taga-hanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi sila ganitong katindi mag-post. Pero maaaring mayroon ding naiiba sa kanila. Kasi parang pinalalabas nila na, 'Naku Alden, tama na 'yung pagpapa-humble mo. Napakayabang mo sa totoo lang. Hindi ikaw ang nagdala ng Hello, Love, Goodbye,'” pagbabahagi ni Cristy Fermin sa nabasa niyang post ng isang tagahanga umano ng KathNiel.

Kaagad naman itong kinuntra ni Manay Cristy Fermin at dinepensahan ang aktor.

“Huwag naman po. May mga mata naman tayong nakakakita, may mga tenga naman tayong nakakarinig, may isip naman po tayo na gumagana at puso na marunong tumingin ng tama at mali. 'Wag niyo naman sabihing sahog lang si Alden Richards sa Hello, Love, Goodbye. Isa po siya napakahalagang rekado. 

“Ipagpalagay na po na ibang artista ang gumanap. Maaaring matagumpay rin pero tanggapin natin ang katotohanan, tinanggap ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo dito sa Hello, Love, Goodbye. Dapat maging matuwa na lang tayo dahil naging matagumpay sila, talagang sinuportahan ng publiko ang kanilang pelikula, tutal naman naghilahan sila pataas.”

Iginiit pa ni Manay Cristy Fermin na mahalaga ang dalawang stars sa pagtaas ng kanilang  sales. “Diba hindi naman sila naghilahan pababa? 'Wag niyo nang kawawain si Alden kasi talagang maling-mali po ang obserbasyon niyo na sahog lang siya. Hindi siya sahog. Kung baga sa sinigang, silang dalawa ni Kathryn ang karne.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo