Alex Gonzaga, Ginawang Biro Ang Lahat, Hindi Man Lang Nagsisisi sa Ginawa sa Waiter!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Sa kabila ng pambabatikos na kinakaharap ngayon ni Alex Gonzaga dahil sa kanyang ginawa sa isang waiter na pinahiya niya sa kanyang birthday party, tila hindi kinakikitaan ngayon ang actress-vlogger ng pagsisisi at ginawa lamang biro ang lahat.

Hindi pa man tapos ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Alex Gonzaga matapos magtrending ang video ng pamamahiya niya sa isang waiter, may bago na namang video na kumakalat ngayon kung saan tila ginawang biro ni Alex ang lahat.

Sa panibagong video na kumakalat ngayon sa online makikitang nasa restaurant sina Alex Gonzaga at mister na si Mikee Morada. Makikita pang kinakantahan si Alex Gonzaga ng mga nagsisilbing waiter. Pagkatapos ng kanta ay umasta pa si Alex na tila papahiran niya ng cake ang mga ito.

Dahil sa videong ito, lalong nadismaya ang mga netizens sa ginawang pagbibiro ni Alex. Nagpapakita lamang umano ito na talagang hindi pinagsisihan ni Alex Gonzaga ang kanyang ginawa sa waiter.

Imbes na mag public apology ay ginawa lamang katatawanan ni Alex ang nararamdaman ng waiter.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo