Nadine Lustre, Pinatunayang Winner sa Taong 2022!

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Si Nadine Lustre naman ang naging paksa sa naging Instagram post ng showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Ipinahayag ni Manay Lolit Solis ang kanyang papuri para sa aktres at inisa-isa pa nito ang mga achievements nito sa taong 2022.

“Salamat naman at kahit paano bongga si Nadine Lustre ng maging maganda ang resulta ng movie niyang Deleter at naging best actress pa siya ng festival. Winner ng taon 2022 si Nadine Lustre dahil sa naging ingay ng Best Actress award, at ang pagiging number 1 sa takilya ng Deleter.”

Hiling din ni Manay Lolit na magtuloy-tuloy pa ang natatamong kasikatan ng aktres sa taong ito.

“Sana tuloy tuloy na ito para naman kahit paano may excitement ang showbiz. Matagal ng walang sumikat ng husto, at matagal narin naman hindi nagkakaruon ng exciting star. Bongga ang pagtatapos ni Nadine sa taong 2022 at sana siya na nga ang magpa sigla ng 2023,” pagpapatuloy pa nito.

Sa huli, may maikling mensahe si Lolit Solis para kay Nadine Lustre. Ayon sa kanya dapat ay mas bonggahan pa ni Nadine upang mas sumaya ang showbiz.

“Welcome Nadine, bonggahan mo pa para lalo pang sumaya ang showbiz.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo