Carlo Aquino at Charlie Dizon, Binabatikos Dahil sa Pagkakaroon ng Relasyon?

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Umaani ngayon ng samu't-saring pambabatikos sina Carlo Aquino at Charlie Dizon mula sa kani-kanilang fans matapos malink sa isa't-isa.

Sa inilabas na episode ng Cristy Ferminute, tinalakay nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika spekulasyon na may relasyon sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Ayon sa kanila, nakarating sa kanila ang pambabatikos na natatanggap ng dalawa, hindi pa man tuluyang umamin.

May mga fans umano si Carlo na ayaw kay Charlie, gayundin ang mga fans ng aktres na umayaw din kay Carlo at sinabing isa itong malaking red flag.

“Bina-bash din si Carlo Aquino at saka si Charlie Dizon dahil sila na raw,” saad ni Manay Cristy.

 "Oo, 'yung mga tagahanga ni Charlie Dizon, Nanay, parang ayaw nila kay Carlo Aquino kasi parang red flag daw itong si Carlo Aquino," sagot naman ni Romel.

Gayunpaman ipinahayag nila na wala namang masama kung totoo mang may relasyon ang dalawa dahil pareho naman umano silang single kahit pa may anak na si Carlo kay Trina Candaza.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo