Kylie Padilla Tinawanan Lamang Ang Nagsasabing Una Siyang Lumandi!

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Mainit pa rin ngayong pinag-uusapan sa social media ang ibinahaging video post ng aktres na si Kylie Padilla sa kanyang Instagram account. Kung saan ipinasilip niya ang isang lalaking puno ng tattoo sa katawan, na siyang pinaghihinalaang bagong karelasyon niya.

Umani naman ito ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa ilang mga netizens. May mga binalikan ang dating isyu noon ni Kylie Padilla sa isang lalaking may tattoo noon pang 2021. Tila pinapatunayan lamang umano ngayon ni Kylie na totoong siya ang nauna nang nangaliwa sa kanilang relasyon ni Aljur Abrenica.

Isa sa mga pinagbabasehan ng mga netizens ay ang patuloy na pananahimik ni Kylie sa relasyon umano nina Aljur Abrenica at AJ Raval. Nauna pala umanong nangaliwa si Kylie kaya ito ang nangyari.

Hindi naman ito pinalampas ng aktres at sinagot ang nasabing komento. Hindi na nagpaliwanag pa si Kylie at isang laughing emoji lamang ang isinagot sa basher.

Samantala, patuloy namang ipinagtatanggol si Kylie ng ilang mga tagahanga niya at ipinupunto nilang pabayaan na lamang  na sumaya naman si Kylie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo