Miss Universe, Harnaaz Sandhu, Nag-Public Apology Sa Kyrgyzstan!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng public apology si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu sa naging pagkakamali sa pagsambit ng pangalan ng bansa ni Miss Universe Kyrgyztan Altynai Botoyarova, sa kaniyang co-hosting noong preliminary competition ng Miss Universe pageant 2022, kasama si Miss Universe Organization TV producer at writer Nick Teplitz.

Ang nasabi ni Harnaaz Sandhu ay “Kazakhstan” sa halip na “Kyrgyzstan” habang naglalakad ang kandidata sa runway suot ang isang swan-inspired national costume.

“During the preliminary event this week in New Orleans, I failed to properly say Kyrgyzstan. I am deeply sorry for this mistake,” saad ni Miss Universe 2021 sa kaniyang Instagram story.

Nilinaw din ng beauty queen na wala siyang intensyong saktan ang damdamin ni Miss Kyrgyzstan.

Samantala, ngayong araw naglabas din ng public apology ang pamunuan ng Miss Universe sa pamamagitan ng CEO nitong si Amy Emmerich.

Kaagad namang tinanggap ni Miss Universe Kyrgyzstan ang paghingi ng paumanhin mula sa pamunuan ng Miss Universe at kay Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu.

“Thank you for your sincere apologies, I truly appreciate it. I am Miss Kyrgyzstan 2021 and I am proudly representing my country Kyrgyzstan here. I want to express my deep gratitude to the Miss Universe Organization for taking this issue seriously. You proved one more time that you are the largest and best competition. Thank you,” aniya na salin sa wikang Ingles.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo