Vice Ganda Ipinahiwatig na Ang PAGBABALIK ni Vhong Navarro sa It's Showtime!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Tila tuloy na tuloy na ang muling pagbabalik ng actor-host na si Vhong Navarro sa It's Showtime.

Nitong byernes, January 13, 2023, ipinahayag ng co-host sa nasabing show na si Vice Ganda na all set na ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime.

Sa opening ng programaa, ibinahagi ng mga co-host ang mga pampaswerte sa kanilang buhay bilang pagtataboy sa malas na dala ng Friday the 13th.

Matapos ang kanilang pagbabahagi, si Meme Vice naman ang nagbahagi ng kanyang realization hinggil sa 'ngarag' moments.

Kasunod nito, tila nagpahiwatig si Vice Ganda sa muling pagbabalik ni Vhong Navarro na ilang buwan ding nawala sa show matapos ang pagkakakulong dala ng kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

“May kausap nga ako kaninang madaling araw. Sabi ko, ‘Bitbitin mo yang excitement mo. Sa sobrang mabibigat ng pinagdaanan mo last year, ang pinakamaganda namang kasama niyan eh sinamahan ka, kinampihan ka at pinaniwalaan ka ng madlang pipol. Kaya bitbitin mo ang excitement mo, pagbalik mo sa Lunes,” ani Vice na tila si Vhong Navarro ang pinapatungkulan.

Sa huli, hindi kinalimutan ni Vice Ganda ang pagpapasalamat sa mga madlang pipol na palaging sumusuporta sa kanila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo