Jinkee Pacquiao New 3 Hectares Retirement House Sa Gensan Matatapos Na | Hindi Totoo Na Hiwalay Sila

Martes, Enero 31, 2023

/ by Jerome

 

Jinkee Pacquiao ipinakita na ang napaka bongga nilang mansion sa Gensan. 

Finally malapit nanga itong matapos at ito na ang magiging permanent Home nila ni Senator Manny Pacquiao.

Sabi naman ni Jinkee na, "God is good all the time". Talaga nga naman na napaka ganda ng mansion nina Jinkee dahil sa labas palang ay napakalinis tingnan at mala Japanese inspired, gawa ang mansion na ito.

Dito na rin daw tatanda sina Jinkee at Senator Manny Pacquiao dahil ito na nga daw ang kanilang retirement house sa Gensan. Mayroon itong malawak na swimming pool na napaliligiran naman ng mga imported na mga halaman, dahil paborito ni Jinkee ang mga flowering plants na nasa gilid ng swimming pool.

Bukod naman sa isang napakalaking mansion, sa paligid nito ay meroon ding mga mini houses na para daw sa mga gathering o event at tanggapan ng bisita.

Samantala, nagpakita naman ngayon si Jinkee ng larawan na magkasama sila ni Senator Manny na magkatabi habang nakahiga, patunay lamang ito na hindi talaga sila hiwalay. Marami kasi ang kumakalat na balita ngayon na hiwalay na daw ang mag asawa.

Hindi naman daw totoong hiwalay ang mag-asawa katunayan ay going strong sila at hindi nag hihiwalay,sabi nga ni Jinkee, "Hello everybody, tuesday 1:35 pm in Gensan. sa mga marites Godbless you more, vengeance is mine I will repay say's the Lord."

Kamakailan nga lang ay namataan pa sila ng mga netizens na nagpunta sa kasal. Ninong at ninang ang dalawa at makikitang sweet na sweet naman sila, patunay na masayang nagsasama ang dalwa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo