BB Gandanghari, Nagbahagi ng Nakakatuwang Video Kasama Ang Pamilya!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely

Labis na ikinatuwa ng ilang mga netizens ang panibagong video na ibinahagi ni BB Gandanghari sa kanyang social media account.

Ibinahagi ni BB Gandanghari ang nakakatuwang video ng kanilang family bonding kung saan makikita silang nagkakantahan.

Nauna rito, naging usap-usapan si BB nang bumalik siya sa Pilipinas, kasama ang kanyang ina na si Lolíta Eva Cariño. 

Mula noon ay nakikipagbonding na si BB sa kanyang pamilya kasama na ang Senador na si Robin Padilla.

Ayon kay BB, ayaw niyang maging emosyonal pero nami-miss na niya ang kanyang oras sa pamilya kahit nasa Maynila pa siya. 

"Enjoying each others’ company… What else can I say?! I don’t want to be emotional but I’m missing this already and I’m still in Manila… lol. Thank you our Heavenly Father for this togetherness, for the memories created and the gift of laughter," pahayag ni BB Gandanghari.

Sa isang post na ibinahagi niya, makikita pang kasama nilang kumakanta at sumasayaw si Robin Padilla kasama ng kapatid na si BB Gandanghari.

"The family that sing and laugh together, stays together… no inhibitions, no pretensions, no ego, just pure fun and enjoyment amongst family. More importantly, I don’t think #Mama [has] laughed as hard as she did that night. Will forever treasure this moment," pahayag pa nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo