Heaven Peralejo Nasanay Na Sa Mga Pambabatikos Na Natatanggap, La Ng Paki!

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Heaven Peralejo sa paglilink sa kanya sa kanyang co-star sa pelikulang Nananahimik ang Gabi na si Ian Veneracion.

May mga nakapansin kasi na kahit off-cam ay napaka-sweet pa rin ng dalawa.

Nilinaw naman ni Heaven na walang namamagitan sa kanila ni Ian at sinabing purong trabaho lamang ang kanilang ginagawa.

"Siguro kasi, of course, we work together, kailangan ko rin namang galingan. Siguro nadadala ko lang off screen, pero what I have for him is respect. Full of respect and, of course, love din. May pagmamahal din ako kay Chief. He's the best partner, what can I do, di ba?" pahayag ni Heaven.

Matatandaang inulan ng pambabatikos si Heaven matapos kumalat ang kanilang TikTok ni Ian kung saan makikitang tila nilalandi nito si Ian. Hindi ito nagustuhan ng ilang mga netizens lalo na't pamilyadong tao si Ian Veneracion.

"Parang sana'y na ako sa bashers. Parang ever since I started showbiz, part na siya, e. Wala na, e. For me, I'm just doing my job. And kung ang pinaparating namin ay 'sugar baby-sugar daddy' yung mga mensahe sa film na ito, at nagkakaroon ng bashers, at least, I think I'm effective."

Ipinagdidiinan din ng aktres na hindi siya pumapatol sa may asawa na at sa mga lalaking nagtatrabaho sa showbiz. Dahil nadala na umano siya sa kanyang mga ex-boyfriends na nagtatrabaho din sa showbiz.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo