Darryl Yap, May Bagong Goal sa Taong 2023, Magpapaaral ng mga Bashers!

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng saloobin ang direktor na si Darryl Yap hinggil sa mga pinagsasabi ng isang Twitter user na kumuwestiyon sa pagpo-post niya sa social media ng kanyang mga kayamanan.

Agad na nakarating sa young filmmaker ng blockbuster hit movie na “Maid In Malacañang” ang patutsada ng nasabing netizen kaya naman agad niya itong niresbakan.

Sa tweet ng isang @iamvince0825, “Ang lakas ng Tamá ni Daryl Yap. Never boast about riches or material wealth. Life is like a wheel, sometimes you’re up, sometimes you’re down. Adage sound cliche, but it hold much wisdom. Shallow, replaceable treasures such as 3 condo units and four vehicles can be easily lost.”

Sa isa pa nitong tweet ipinahayag niya na ibinabahagi lamang ng direktor ang kanyang kalungkutan sa buhay at kinakaawaan umano niya ito.

“Nakakaawa ka Daryl Yap, you don’t know that you are flaunting your loneliness and miseries. Buhay SCROOGE ka lang.”

Pinatulan naman ito ni Direk Darryl Yap, agad na nirepost ng direktor ang nasabing tweet ng netizen at nilagyan pa ng caption.

“Yung pagpopost ko raw ng 3 condo units, 4 cars ay sign na insecure ako. HAHAHA! Beh, baka pag pinost ko yung bags, shoes, jetski and all— baka may mental health problem na ko? Pinost ko yun para sa mga gaya mo, sa mga pinaniniwalang masaya sila. Walang Taong laging masaya, kasi wala yung halaga. Dapat marunong kang maging malungkot para alam mo ang saysay ng kaligayahan,” panunupalpal pa ng direktor.

Hirit pa ni Darryl, “Para sa gaya mo ang mga post ko na iyon, Buo ang aking pamilya, may magandang karera at may mga matatapang na taga-suporta. Kung malungkot man yun sa paningin mo—At least malungkot akong mayaman…kesa kayo—malungkot na mahirap at laging apektado sa malungkot na mayamang katulad ko.”

Ipinahayag din ni Direk Darryl na isa sa kanyang goal ang magpaaral sa taong 2023 kaya pinapatag niya ang kanyang mga bashers na tinawag pa niyang dugyot.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo