Kris Aquino Naghahanap Na ng Bahay Sa US Matatagalan Pang Umuwi!

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely

Muling naging laman ng usapan nila Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa Showbiz Now Na ang kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino sa Amerika.

Nakarating umano sa kanila ang balitang naghahanap ng  bahay si Kris Aquino sa Amerika. Nananatili pa rin si Kris sa Amerika dahil patuloy pa rin ang paghahanap ng lunas sa kanyang mga karamdaman.

"Isang source po ang aking nakausap at nagsabi sa akin na nagpapahanap na po ng mabibiling bahay si Kris Aquino sa Los Angeles California," ani Cristy.

"Ang sabi ng friend ko, sa Orange county daw. Napakagandang lugar itong Orange County na ito at talagang secure na secure sila doon," dagdag pa niya.

Sa paghahanap ng bahay ni Kris Aquino sa Amerika, nagpapahiwatig lamang na matatagalan pa itong makabalik sa Pilipinas.

Hiling naman ni Cristy Fermin na maging maayos ang buong taon ni Kris Aquino at sana'y magkaroon na ng lunas sa mga sakit nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo