Darna, Sinadyang Gawing 'Dog Show' Para Lang Mapag-usapan?

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Muli na namang pinag-uusapan ang Darna teleseries matapos naglabasan ang ilang mga video clips, na sinasabing ginawa na umano itong Dog Show.

Naging usap-usapan ito ng makailang beses online dahil pauli-ulit na lamang na ginagawa ito sa mga eksena sa nasabing pelikula.

Marami ang nagpataas ng kilay habang naging katatawanan naman ito para sa ilan pang mga netizens. Maging ang showbiz insider na si Ogie Diaz ay nagbigay na rin ng kanyang saloobing hinggil rito.

Ayon kay Ogie Diaz, parang sinsadya ng Darna na gawing dog show ang ilang mga eksena upang mas pag-usapan at palaging magti-trending. Sinadya umano nila na gawin ang mga ganitong eksena upang mas mapag-usapan ng madlang pipol.

"Kaya feeling ko sinasadya 'yun para maapektuhan 'yung panonood ng mga tao at ang ending, huh? ba't nagkaganito... Babalikan yung eksena atapos iti-tweet. Ipo-post sa Facebook, ipo-post sa TikTok. Kaya lalong nacu-curious ang mga tao na, ha? San' to? Manood nga ako. 'Pag medyo off 'yung scene, 'pag medyo huh? Ba't nangyari 'yun, dinudukot nila, bina-viral kaya ang ending nagti-trending," pagpapahayag ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo