James Reid-Laos Na? North America Tour, Kinansela!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media platforms ang napapabalitang pakakansela ng North America Tour na James Reid na pinag-ugatan ng isyung totoong laos na ito at kukunti lamang ang sumuporta sa kanyang music.

Matatandaang kamakailan lamang ay ipinahayag ng actor-singer na si James Reid na magkakaroon siya ng North America Love Scene tour mula January 29 hanggang February 26, 2023. 

Subalit, nagulat ang ilang mga fans ni James Reid ng muli nitong inanunsyo na hindi na ito matutuloy. Dahil umano sa complication sa kanyang kalusugan.

Gayunpaman, naniniwala pa rin ang ilang mga netizens na hindi kalusugan ang dahilan kaya nito kinansela ang kanyang tour, bagkus ay dahil mahina ang bentahan ng mga tickets nito.

"Alam na this! Walang bumili o hindi na reach yung target so kailangan i-cancel," komento ng isang netizen.

Maging sa programa nina Ogie Diaz ay napag-usapan din ang mahinang bentahan ng ticket para sa tour ni James Reid.

"Parang $168 yata. Parang inuna yung mga mahal na ticket kesa yung mga murang ticket," pahayag ni Ogie.

"Parang bihira lang mag-book yung ticket selling sa mga mahal. Kaya doon nila nahiwatigan na, naku! patay... di masyadong malakas. E syempre malulugi 'yung mga producers," dagdag pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo