Basag Kotse Gang na Nambiktima Kina Ronnie Alonte at Loisa Andalio Nahuli Na!

Martes, Enero 3, 2023

/ by Lovely


Nahuli na ng ang ilang myembro na ng Basag Kotse Gang na nambiktima sa celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ilang buwan na ang nakakalipas.

Arestado ang mag-asawang negosyante sa loob mismo ng kanilang bahay sa Lessandra Heights, Molino IV, Bacoor City, Cavite, at dalawa pa nilang kasamahan matapos mabuking ang mga modus operandi nila sa Laguna at mga kalapit probinsya. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Albert Santos, ang misis nitong si Remy, Joey Masayo at isa pang hindi tinukoy ang pangalan.

Ayon sa ulat, nahuli ang mga suspek matapos mambiktima ng isang City Administrator sa San Pedro City Hall.

Agad na humingi ng tulong sa mga operatiba ng Bacoor Police ang kanilang panibagong biktima. Sinabi niya sa mga pulis na pwede pa niyang i-track ang kanyang laptop na ninakaw sa pamamagitan ng air tag location device sa area ng Bacoor.

Agad na naglungsad ng operation ang mga operatiba at nahuli sa loob mismo ng kanilang bahay ang mga suspek. Narekober sa mga ito ang MacBook Air Laptop ng kanilang biktima, iba pang tablet at mga baril.

Ang mga suspek din ang tinuturong nambiktima sa celebrity couple noong November 30 habang naka-park sa harap ng isang building sa Molino Road, Barangay Molino 3, Bacoor City, ang wrangler jeep ng magkasintahan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo