Joross Gamboa Na Stress sa Bikini Post ni Sandara Park!

Lunes, Enero 2, 2023

/ by Lovely


Pinahang ng South Korean actress at singer ang kanyang mga tagahanga sa kanyang ibinahaging bikini photo sa kanyang Instagram account.

Sa comments section ng post, ipinahayag ng kanyang Pinoy friend na si Joross Gamboa ang kanyang pagkadismaya na hindi na niya mapigilan si Sandara na mag-post ng mga swimsuit photos dahil matanda na ito. 

“Hayyy… Di na kita mapipigilan. Malaki ka na. 2023 na," pahayag ni Joross sa comment section.

Agad namang sinagot ni Sandara si Joross sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa kanya na hindi niya ito mapipigilan na mag-post ng mga swimsuit pics at hindi na siya ang 19-year-old girl na dati niyang nakasama.

“Oo tama yan! Di nako 19 years old na hinatid sundo mo and pakain sa Gerry’s Grill!!! Hahaha! Totoong childhood friends nga tayo noh? Hay ang bilis mg panahon but we remain as good friends! Happy New Year Chuross.”

Si Sandara Park ay isang singer-actress, at TV personality sa South Korea. Sumikat siya sa Pilipinas pagkatapos sumali sa talent show na Star Circle Quest noong 2004. Naging matagumpay siya sa Pilipinas bago siya bumalik sa South Korea noong 2007. Sumikat siya sa Korea bilang bahagi ng K -pop girl group, 2NE1.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo