Xian Gaza, Ibinida Ang Christmas Gift Na Ibinigay ni Zeinab Harake!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Muli na namang binigyan ng appreciation post ni Xian Gaza ang social media personality at vlogger na si Zeinab Harake.

Kamakailan lamang, ay nagkaroon ng pagkakataon sina Xian Gaza at Zeinab Harake kasama ang kapatid nitong si Rana na makapag-hang out sa Thailand. Higit pa rito, ibinida rin ni Xian ang larawan ng Christmas gift na natanggap niya mula kay Zeinab Harake.

Agad namang pinasalamatan ni Xian si Zeinab sa kanyang post.

"Thank you sa Christmas gift, Zeinab. Ang love language ko is acts of service and physical touch pero iba pala ang dating kapag sayo nanggaling yung regalo. Kahit tshirt lang siya eh it means so much to me. As in.

"Salamat din kasi 5x mo na kong nilibre in 3 countries. Limang beses na tayong nagka-bonding sa Singapore, Dubai at Bangkok. Oh pak! Shala! International friendship ang peg! Hehe. Lahat ng ito ay hindi natin pinlano. Tadhana na lang ang gumawa ng paraan.

"Gusto ko lang malaman mo na sobra kong naa-appreciate yung mabuti mong pagkatao at pati na rin yung presence mo sa buhay ko. Thank you for the genuine friendship. Ang wish ko for you this Christmas eh sana matagpuan mo na ako by 2023 kasi kaya ko namang magseryoso para sayo. Happy Holidays! God bless you!"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo