Detalye ng Burol sa Asawa ni Andrew Schimmer Ibinahagi Na!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi na ng ina ni Jorhomy Rovero na si Josephine Dela Rosa Penaranda ang ilang detalye sa burol ng yumaong asawa ni Andrew Schimmer.

Ayon sa ibinahaging larawan ng ina ni Jho, kasalukuyang nakaburol ang anak sa Sanctuario De San Miguel De Marilao Poblacion, Marilao, Bulacan.

Pumanaw nitong December 20, 2022 si Jorhomy Rovero. Ayon sa kwento ni Andrew Schimmer, bigla na lamang siyang tinawagan ng hospital na nawalan ng BP at oxygen saturation Jho.

Nang dumating siya sa hospital ay naabutan pa niyang niri-revive ng mga doktor ang kanyang asawa subalit hindi na nila naibalik pa ang buhay ni Jho.

Ang labis na nakakallungkot ay kaarawan sana ng bunsong anak nila subalit hindi na ito naabutan pa ni Jho. Maging ang pagdating ng kanilang mga anak ay hindi na nito nahintay pa ni Jorhomy Rovero.

Matatandaang noong November 2021, unang isinugod ni Andrew Schimmer ang kanyang asawa sa hospital dahil sa severe asthma attack na humantong pa sa atake sa puso. Mula noon ay naratay na sa hospital si Jorhomy.

Nito lamang December 10, ay ibinahagi pa ni Andrew Schimmer na pinaghahandaan na niya ang kasal nila ni Jho sa simbahan at hindi na umano siya maghihintay pa ng tamang pagkakataon. Subalit, tila maging ito ay hindi na nahintay ni Jho at tuluyan nang nagapi ng kanyang sakit.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo