Vhong Navarro, magbabalik na sa It's Showtime sa Pebrero 2023!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Sa latest episode ng Youtube vlog nina Manay Cristy Fermin ibinalita niya sa lahat na sa susunod pang taon babalik si Vhong Navarro bilang co-host ng noontime show na It's Showtime.

Ayon kay Cristy Fermin, magpapahinga muna si Vhong Navarro at babawi sa kanyang pamilya bago babalik sa pagtatrabaho. Sa darating na February 2023 pa babalik si Vhong Navarro.

Bagama't nag-aabang na ang mga madlang pipol ay tila naiintindihan naman nila ang desisyong ito ni Vhong Navarro dahil makikita naman sa pangangatawan nito na kinakailangan nitong magpahinga. Tila bumabawi din ito sa oras na nawala sa kanila ng kanyang pamilya at mga anak dala ng pagkakabilanggo.

Naniniwala din si Cristy Fermin na mapapawalang sala si Vhong Navarro sa mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Matatandaang ginulat ang lahat nang ipag-utos ng Court of Appeals ang muling pagbubukas ng mga kaso na naunang ipinabasura ng DOJ. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo