Ogie Diaz Naranasan Ding Isnabin Noon Ng Baguhang Artista!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na naranasan din niya mismo ang isnabin ng isang baguhang artista na kagaya sa sitwasyon na ibinahagi ni Tuesday Vargas.

Matatandaang, tila nanggagalaiti si Tuesday dahil sa pang-iisnab umano sa kanya ng baguhang loveteam na nakisingit pa sa kanilang line up dahil hindi makapaghintay.

Ayon kay Ogie, hindi ito nalalayo sa kanyang karanasan kung saan dinaan-daanan lamang siya ng batang artista noon.

Agad umano niya itong pinagsabihan sa personal na kailangan nito bumati at magbigay galang sa nauna sa kanila sa industriya.

"It happened to me also. 'Yung bata hindi ko talaga napigilan. tinawag ko siya, sabi ko 'huy kanina ka pa daan ng daan dito, di mo manlang ako batiin. EP mo 'to o, sabi ko sa kanya."

Ang kaibahan lamang umano nila ni Tuesday ay hindi niya ibinahagi sa social media ang nasabing insidente. Kaya naman, hanggang ngayon ay magkaibigan sila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo