Vhong Navarro Hindi Pa Makakabalik sa It's Showtime Dahil Sa Trauma!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


Muling napag-usapan nina Manay Cristy Fermin ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro nitong martes matapos makapagpyansa ng isang milyon.

Inilahad ni Manay Cristy Fermin na sinabi umano ng abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga na hindi muna makakapagtrabaho si Vhong Navarro dala ng mga pinagdaanan nito sa loob ng kulungan.

“Talaga naman pong nagbubunyi ang kanyang mga kapamilya, kaibigan, mga kasamahan sa kanyang pansamantalang paglaya. Kaya lamang Romel, sabi ni Atty. Alma Mallonga, hindi agad-agad makapagtatrabaho sa 'Showtime' si Vhong. Magpapalipas pa po muna siya ng mga ilang araw napahinga dahil hindi naman po ganu'ng biro 'yung napiit ka naman po ng halos tatlong buwan, mula September 19 po ito.”

Ayon pa kay Manay Cristy na maraming nanakaw na panahon kay Vhong Navarro dahil sa kanyang pagkakakulong maging ang panahon nito kasama ang kanyang pamilya.

Kaya naman, nararapat lamang umano na bumawi si Vhong sa kanyang pamilya at magkaroon ng sapat na pahinga. Naniniwala rin si Manay Cristy Fermin na naroon pa rin kay Vhong ang trauma dahil sa nangyari.

( Hide )
  1. Ok lang muna na bumawi sa pamilya para sa ikabubuti po ni kuya vhong

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo