Vhong Navarro Halos Hindi Na Bitawan Ng Mga Anak, Takot na Mawalay Muli!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Sa latest episode ng Youtube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, nagbigay siya ng ilang update patungkol sa pansamantalang paglaya ng aktor host na si Vhong Navarro.

Ayon kay Ogie Diaz, halos hindi na bitawan ng mga anak ni Vhong Navarro na sina Ice at Bruno ang kanilang ama pagdating nito sa kanilang tahanan matapos makapagpyansa nitong martes. Ang impormasyong ito ay mula pa umano sa mga ina ng mga bata na sina Ciara at Bianca.

Labis na natutuwa ang mga anak ni Vhong Navarro dahil sa paglaya ng kanilang ama na nakulong ng halos tatlong buwan.

Agad din umanong dinalaw ng mga malalapit na kaibigan si Vhong Navarro. Nauna nang sinabi ni Tanya na isang malaking regalo sa kanila para sa pasko ang paglaya ng kanyang asawa na si Vhong Navarro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo