Mga Bigating Kapuso Stars Magsasama-sama sa Iisang Teleserye Sa Darating Na Taon!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Labis na natutuwa ang mga Kapuso fans matapos inilabas ng GMA Network sa kanilang official social media accounts ang bigating cast sa kanilang upcoming teleserye sa susunod na taon.

Makikita sa ibinahaging larawan ng GMA Network na kuha mula sa naganap na story mediacon nitong martes December 6, 2022, sina Sanya Lopez, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, at Michelle Dee, Zoren Legaspi, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, at  Jeric Gonzales.

Agad namang umani ng mga komento at reaction ang nasabing post ng GMA Network. Marami ang humuhula kung anong teleserye kaya ang gagampanan ng mga bigating Kapuso artists na mga ito.

Matatandaang sinabi na noon ni Sanya na may aabangan ang lahat ng kanilang mga tagahanga ng isang teleserye na tiyak maaring panoorin ng lahat.

"Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din ito at fantasy at nandoon din, halos lahat. Action. Lalo na ang action nandito. Pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya talaga magkakasundo kapag pinanood ito," saad ni Sanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo