Vhong Navarro Bumabawi sa Mga Anak Habang Naghahanda sa Susunod na Hearing!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Nakipagbonding kaagad ang actor-host na si Vhong Navarro sa kanyang mga anak at pamilya matapos pansamantalang makalaya.

Kinumpirma pa ito mismo ng dating asawa ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus. Maging sa kanilang anak na si Yce ay naglalaan din umano ito ng oras.

Sa Twitter account nj Bianca, ibinahagi niya na talagang bumabawi ang aktor-host sa mga oras na nawala sa kanila ng mga anak nang makulong ito ng mahigit dalawang buwan.

“Been on hiatus, been very busy attending to personal / family matters. And I decided to just rest my social media first. Medyo checking ako now. Thank you all for your prayers and support. My son is very happy nagbabawi Ng oras ang mag aama,” ang tweet ni Bianca.

Isa si Bianca sa mga hayagang sumusuporta kay Vhong Navarro at ipinahayag kung gaano ito kabuti. Hindi siya naniniwala na magagawa ng aktor ang mga binibintang ng dating modelo na si Deniece Cornejo.

Samantala, nauna nang naiulat na naglabas na ng petsa ang korte kung kailan ang unang paglilitis sa kaso. Buo naman ang loob ng kampo ni Vhong Navarro na maabswelto ang aktor-host.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo