Tom Rodriguez at Carla Abellana Malabo nang Magkabalikan Pa!

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Muling naging paksa sa usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika ang estado ng relasyon ng dating mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Base sa kanilang usapan, tila malabo na umanong magkakabalikan pa sina Carla at Tom Rodriguez. Sa katunayan ay naghahanda umanong bumalik sa bansa si Tom Rodriguez upang iproseso ang kanilang annulment.

Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, mas nakakabuti umano ang pananahimik na ng dalawa at hindi pagbanggit ng pangalan bawat isa.

Tumigil na rin umano ang isa't-isa sa palitan ng mga banat laban sa isa't-isa.

"Pero ako ay natutuwa rin na nakalipas ang Pasko, papasok na ang Bagong taon, pero mukhang sa mga panayam naman ni Tom, sinabi niya na kahit puro snow sa Amerika, napakalamig hindi malamig ang kanyang Pasko. Tumigil na sila sa mga patutsada. Wala nang sinasabi si Tom, Lalong wala na ring sinasabi si Carla. At ang pinakamahalaga hindi pa nila binabanggit ang pangalan ng isa't isa."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo