Heaven Peralejo, Hiniritang Mag-VivaMax Na!

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Matapos ang mapusok na pagganap ng actress na si Heaven Peralejo sa pelikula nila ni Ian Veneracion may ilang mga netizens na nagsasabing nababagay si Heaven Peralejo na maging isang Vivamax star.

Ginampanan ni Heaven Peralejo ang isang daring role sa papel ng isang sugar baby ni Ian Veneracion sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi na isa sa walong entry ng Metro Manila Film Festival.

Ang Vivamax ay isang social media platform kung saan mapapanood ang medyo mga daring na mga pelikulang ginagawa ng Viva Films. Ilan sa mga itinuturing na reyna ng Vivamax ay sina AJ Raval, Angeli Khang, Christine Bermas, at iba pang artists na mula sa Viva Artists Agency.

May ilang mga fans ni Heaven Peralejo lalong-lalo na ang mga lalaki na humirit pa sa Tiktok video ni Heaven na gusto nilang mapanood si Heaven sa Vivamax platform.

Isa si Heaven Peralejo sa mga nominees para sa Best actress award ng MMFF 2022. Subalit, ang actress na si Nadine Lustre ang naitanghal bilang Best Actress.

@heavenlyanperalejo

♬ original sound - Lofi_lyrics

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo