Partner ni Xander Ford Nanganak, Isang Baby Boy!

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ni Xander Ford na nanganak niya ang kanyang partner na si Gena Mago ng isang healthy baby boy.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Xander ang video ng kanyang partner sa pagsilang ng kanilang anak. Agad nilang pinangalang Xeres Isaiah ang kanilang panganay.

“Maligayang pagsilang, aking anak,” caption ni Xander sa kanyang video post.

“Ito na guys ang aking baby na si Xeres Isaiah. Sobra-sobrang tuwa ko. Sobra-sobrang saya ko kasi nakita ko siya. And yan guys, nakita niyo naman sa akin talaga siya nagmana and proud ako na anak ko siya,” saad ni Xander sa kanyang video.

Kilala si Xander Ford na Marlou Arizala bago sumailalim sa isang plastic surgery. Bumagsak naman ang kanyang kasikatan matapos mag-viral ang video kung saan binody shame niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo