Joshua Garcia at Bella Racelis, Magkasama Sa Japan?

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Muling iniintriga ngayon ang aktor na si Joshua Garcia at social media personality na si Bella Racelis matapos makita ng mga marites na parehong nasa Japan ang dalawa.

Iniuugnay ngayon ng mga netizens ang mga larawang ibinabahagi nina Joshua Garcia at Bella Racelis sa kani-kanilang social media accounts. Parehong naglabas ng mga larawan ang dalawa sa pag-iikot nila sa Japan.

Bagama't hindi naman tuluyang inamin ng dalawa na magkasama sila, ikinokonekta ng mga netizens ang magkasunod nilang pagbabahagi ng larawan sa kani-kanilang Instagram accounts. May humirit pang mag-photographer reveal na ang mga ito.

Matatandaang, ilang buwan na rin ang nakakalipas nang unang ilink si Bella kay Joshua matapos makuhanan ng video na magka-holding hands sila sa isang bar.

Lalo pang tumindi ang hinala ng mga netizens nang i-flex mismo ni Joshua sa kanyang Instagram account ang mga larawan ni Bella. Subalit, nagulat naman ang lahat ng ipinagdiinan ni Joshua na nananatili pa rin siyang single matapos nilang magbakasyon magkaibigan sa Japan noong November.





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo