Ogie Diaz Nagreklamo Sa Pagtaas ng Presyo Ng Sibuyas! Mas Mahal pa sa Karne!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz ang maghimutok sa labis na paglobo sa presyo ng sibuyas.

Ipinahayag ni Ogie Diaz ang kanyang pagka dismaya sa kanyang Instagram stories. Halos hindi makapaniwala si Ogie kung bakit umabot sa 600 hundred pesos ang presyo kada kilo ng sibuyas. Mas mahal pa umano ito sa bawat kilo ng karneng baka at baboy.

"Wow! Php600 na pala ang kilo ng sibuyas, totoo ba? Mas mahal pa sa kilo ng karneng baboy at baka?” pagkukumpara ni Ogie Diaz.

“Paano kaya gawin yung sinigang na sibuyas na may sahog na baboy?” pagpapatuloy pa nito.

Sa ngayon ay patuloy pa ring tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin sa bansa sa nalalapit na pagdiriwang ng bagong taon. Patuloy pa ring umaasa ang mga mamimili na maaksyunan ito ng mga kinauukulan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo