Gender Sensitivity Award Hindi Deserve ng My Teacher?

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Tila marami ang hindi makapaniwala na ang pelikulang My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey De Leon ang nakasungkit sa 'Gender Sensitivity Award' sa naganap na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival na naganap noong December 27, 2022.

Ayon pa sa ilang mga netizens hindi deserve ng pelikulang My Teacher nina Toni Gonzaga ang award at may iba pang pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival kagaya na lamang ng My Father, Myself nina Jake Cuenca.

Marami pa sa mga netizens ang naghanap ng paliwanag kung bakit ito pinili sa award at ano umano ang ginawang basehan ng mga juror.

“Ano naman ‘yang gender sensitivity award?! Mabigyan lang ng award ang My Teacher?! Mema lang…”

“Bakit naman hindi gender sensitivity award ang My father, Myself? Bakit yung My Teacher ni Joey De Leon? Totoo ba?”

“Bakit nanalo ng gender sensitivity award ang MY TEACHER eh di hamak deserved ng MY FATHER MYSELF yun…”

Samantala, nananatili namang tahimik sina Toni Gonzaga at Joey De Leon sa mga natatanggap na pambabatikos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo