Marites may Payo sa Mga May Relasyon Matapos Hiwalayan ni Pambansang Kolokoy!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


Ilang buwan matapos inihayag ni Pambansang Kolokoy na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Marites, nagpakita na ito sa isang vlog at sinagot ang katanungan ng ilang netizens.

Tampok sa vlog ni Wander Z ang dating asawa ni Pambansang Kolokoy na sa kasalukuyang nasa Los Angeles California, USA.

Maayos naman umano ang kalagayan ngayon ni Marites at masasabi niya isa siyang strong independent woman na kumakayod para sa kanyang mga anak. Kung may nais din daw siyang baguhin sa nakaraan ay dapat binasa niya muna ang aklat na pinamagatang Getting to I Do ni Dr. Patricia Allen.

Nagbigay din siya ng payu sa mga magkarelasyon upang mas tumibay pa ang kanilang pagsasama. Una na dito ang “Communication”, sumunod ay ang “Commitment”, “Respect”, at “Trust”.

Ipinagdidiinan din ni Marites na wala siyang bago o boyfriend ngayon at nilalaan lamang ang kanyang sarili sa pagtatrabaho para sa kanyang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo