Agot Isidro Nais Magka-jowa Ngayong Pasko!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


Sa naganap na latest media conference para sa pelikulang Family Matters, game na sinagot ng aktres na si Agot Isidro ang ilang mga personal na katanungan tungkol sa kanyang lovelife.

Naitanong din kay Agot sa nasabing mediacon kung ano ang nais niyang maging christmas gift.

“All I want for Christmas is love… is jowa,” natatawang tugon ni Agot.

Bagama't masaya naman umano si Agot Isidro bilang isang single independent woman, iba pa rin umano ang pakiramdam kapag may kasama siya sa buhay.

Napawalang-bisa ang kasal ni Agot sa dating mister na si Manu Sandejas noong 2010. Ang huli naman daw na napabalitang naging karelasyon niya ay ang tumakbong senador noong 2019 na si Pilo Hilbay, subalit hindi rin natuloy sa altar ang kanilang relasyon.

Matapos ang ilang taon na pagiging single, handa na ngayon si Agot na harapin ang moment kung saan matatagpuan niya ang kanyang special someone. Subalit nilinaw ni Agot na hindi siya ang maghahanap sa kanyang special someone dahil naniniwala siyang darating din ito sa kanya sa tamang panahon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo