Kuya Kim Pinagkakaisahan ng mga Fans ni Deanna Wong!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Kinukuyog ngayon si Kuya Kim matapos niyang pangaralan ang Choco Mucho Flying Titans team, lalong-lalo na si Deanna Wong.

Matatandaang ibinahagi ni Kuya Kim sa isang Facebook post ang kanyang reaction hinggil sa umano'y pang-iisnab ng team sa kanilang fans sa boracay.

Saad ni Kuya Kim na dapat ay tratuhin ng maayos ang kanilang mga tagahanga o hindi kaya ay magtago na lamang mula sa mga ito.

Marami naman ang sumang-ayon sa pahayag na ito ni Kuya Kim, subalit may iba namang ipinagtatanggol ang grupo.

Nagtrending sa tweeter si Kuya Kim, matapos inihayag ng isang fan ng team ni Deanna na madali lamang mapansin ang mga fans ni Kuya Kim dahil lima lamang ang mga ito.

Agad naman itong nire-tweet ni Kuya Kim at sinabi niyang anim naman.

Samantala makikita ngayon sa isang Facebook post ni Kuya Kim ang pag-share niya sa official statement ng pamunuan ng Choco Mucho Flying Titans.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo