Pamunuan ng Choco Mocho Flying Titans Ipinagtanggol Ang Kanilang Players!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


Naglabas na ng official statement ang pamunuan ng Volleyball team na Choco Mucho Flying Titans ang mga alegasyon laban sa kanilang players.

Matatandaang iniintriga ngayon ang pang-iisnab ng mga players partikular na si Deanna Wong sa kanilang mga tagahanga.

Maging ang ilang mga sikat na online personalities at nagreact at may nagsabi pang kailangan ng mga ito na turuan din ng Good Manners and Right Conduct.

Ayon sa official statement ng pamunuan, ang kumakalat na video ng umano'y pang-iisnab ng kanilang players ay kuha mula sa kanilang boracay vacation bilang break sa kanilang mga laro at trainings.

Ipinagdidiinan din nilang cropted ang nasabing video at hindi ipinakita kung paano nakisama at nakipagselfie sa ilang mga tagahanga ang grupo.

“The team was in Boracay recently for a short break after a busy year of heartbreaking finishes. A video from that trip went viral, with netizens portraying some of our players as snob who lack ‘good manners and right conduct. Unfortunately, what is not included in the viral clip are other videos online showing the players acknowledging and talking to fans, and accommodating selfies and videos with them while trying to have their break."

Alam din umano ng kanilang totoong fans kung gaano makitungo ang kanilang mga players. Sinabi din nila na hindi makatarungan ang pagbabahagi ng ganitong mga videos na maaring makasira sa buong team.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo