Cristy Fermin Binalaan si Kris Aquino sa Upcoming Pelikula ni Darryl Yap!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng komento ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa naging pagalala ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa kanyang mga magulang na sumakabilang buhay na.

Matatandaang tila pinatamaan ni Kris Aquino ang upcoming movie ni Darryl Yap. Base sa ipinahayag ni Kris sa kanyang IG post, sinabi niya na alam niya ang katotohanan sa kabila ng pilit na pambabaluktot ng ilan sa kasaysayan.

Ayon naman sa episode ng Showbiz Now Na nina Manay Cristy Fermin, pinagsabihan niya ito sa tila pambabanat niya kay Direk Darryl Yap at sa upcoming movie nito. Tila may ibang motibo kasi umano si Kris sa 'pag-aalala message' nito kay Ninoy Aquino.

“Kaya ito pong IG post niya bilang pagbati sa kanyang ama, hindi po ‘yun yung sinasabi ng ating mga kababayan na totoong dahilan bakit niya binati ang kanyang tatay kundi para pasinungalingan agad-agad yung sa Pebrero pa lang ipalalabas na pelikulang Martyr o murderer.” pahayag ni Cristy Fermin.

Tiyak din umano na agad itong papalagan ni Darryl Yap. Hirit pa ni Manay Cristy na tila alam na ni Kris na malalagay sa alanganin ang kanyang ama kaya ngayon pa lang ay pinagsabihan na niya ang kanyang mga tagahanga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo