Kim Chiu Sinagot ang mga Bashers tungkol sa 'Billing' ng ABS-CBN!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Dismayado ang ilang mga supporters at fans ng actress na si Kim Chiu sa pagtrato umano sa actress-host sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2022 ng network noong December 17.\

Ayon sa mga supporters ni Kim Chiu napapansin umano nila na tila hindi binibigyan ng importansya ng network ang mga contributions ni Kim Chiu sa nasabing network.

May isang netizen pa na ipinahayag ang kanyang opinyon sa pamamagitan ng isang tweet.

“Sana i-consider mo lahat ng factors bago ka mag decide sa billing such as popularity, bankability, achievement & years of service.” pahayag nito.

Kaagad naman itong ni-retweet ni Kim na wala lang sa kanyang ang billing. Basta't may trabaho ay okey na sa kanya. 

“I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna. Bastat may trabaho ako okay na po ako dun.”

Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng opportunities. Ipinahayag din niya ang kanyang flexibility kung saan man siya ilagay ng management.

“Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin. still #grateful.”

Agad naman umani ng mga papuri mula sa mga netizens ang pagiging humble ni Kim Chiu na naging dahilan umano kaya pinagpala ang aktres.

“You have remained humble kaya ka pinagpapala. But di abusuhin ng mga tao ang kagandahan ng iyong puso.Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam naming ang TUNAY MONG TRONO . Sana lang MAS PAHALAGAHAN ka pa nila.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo