Janine Gutierrez, Iniintrigang Buntis?

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Noon paman ay pinaghihinalaan nang may relasyon ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez at Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Kaya naman, kaagad umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ni Janine sa kanyang Instagram account, na kuha mula sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special noong December 17, 2022.

Agad na ipinahayag ng kanilang mga taga-suporta na talagang bagay sila sa isa't-isa.

"Sobrang bagay talaga kayo! Buti pa kayo ang simply lang di tulad nong dalawa napaka oa" komento ng isang netizen.

"okay lang kay kim may option pa siya si jm 😆😝 pretty mo 😍❤️‍🔥"

Subalit tila hindi lamang ang kagandahan ng mukha ni Janine ang napansin ng ilang netizens. May ilan ding nakapansin ng tila paglobo ng bandang puson ng aktres. Kaya naman agad inisip ng ilan na nagdadalang tao ito.

Napatanong kaagad ang isang netizen kung preggy na ba ang aktres.

“Preggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo”

Kaagad naman itong sinagot ni Janine at sinabing madalas ay napapakain siya this holiday season lalo na't walang taping. Sinabi din niya na next year ay balik diet naman siya.

“PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season Diet na ulit after Christmas.”

Dagdag pa ni Janine,  “Sana masarap din kain mo this December."

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang nasabing netizen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo