Kakai Bautista Inamin Na Muntik nang Iwan ang Showbiz Dahil Kay Mario Maurer!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Sa latest episode ng Toni Talks, nakapanayam ni Toni Gonzaga ang comedian-actress na si Kakai Bautista,

Dito, matapang na binalikan ni Kakai ang kaganapan sa pinagdaanang isyu kay Mario Maurer kung saan nakatanggap siya ng matinding bashing. Dahil sa labis na pambabatikos naisipan na umano ni Kakai ang pagtigil sa kanyang karera sa showbiz.

"Ako kasi 'yung taong... Lagi nga akong napapagalitan kasi 'masyado kang totoo'... Hindi ko kasi siya itinuring na superstar. Kung ano lang siyang tao, yun lang ang ano ko. Kasi nga hindi ko kaya, first time kasing nangyari sa akin 'yun," muling pagpapaliwanag ni Kakai.

Napahiling pa umano si Kakai ng sign sa diyos kung dapat na ba niyang iwan ang showbiz dahil sa masasakit na tirada ng mga bashers. Ayon kay Kakai, nakayanan niya ang lahat dahil sa sunod-sunod na pprojects na kinabibilangan niya.

Matatandaang nagkasama sina Kakai Bautista at Mario Maurer noon sa pelikulang Suddenly It's Magic noong 2012. Nagsimula ang mga kontrobersya ng paulit-ulit na ipinahayag ni Kakai ang pagkakalapit nila ni Maurer na sa katunayan pa umano ay mas malapit pa sila kaysa sa naging leading lady nito na si Erich Gonzales.

Umabot pa sa puntong pinadalhan si Kakai ng legal letter mula sa kampo ni Mario Maurer at pinapatigil na nila ang pagbabanggit nito na malapit sila sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo