Barbie Imperial, Walang Wish Para Sa Ex-Boyfriend Ngayong Pasko!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam kay Barbie Imperial, hiningan siya ng Christmas wish para sa kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Agad naman itong pinaunlakan ng aktres at sinabing wala siyang wish para kay Diego Loyzaga this Christmas kundi ang kasiyahan nito at ang katuparan sa lahat ng pinapangarap.

“Wala naman na parang iwi-wish ko talaga but I just want him to be happy, healthy and sana lahat ng dreams niya matupad," saad ni Barbie.

Ipinahayag din niya na hindi na siya bitter sa naganap na hiwalayan nila, ilang buwan matapos i-celebrate ang kanilang anniversary. Sa katunayan ay masaya na siya para rito.

“Pareho na kaming happy ngayon sa kanya-kanyang buhay namin and kung anuman 'yung nangyayari sa life niya ngayon. Walang bitterness kasi siyempre naging part siya ng life ko. I’m happy for him.”

Ibinahagi rin ni Barbie ang kanyang mga natutunan sa taong 2022 dahil sa kanyang mga pinagdaanan. Mas nag-mature na umano siya at mas kilala ang kanyang sarili.

“I think 2022 'yung year na ang dami ko talagang natutunan. And it changed me a lot. Like hindi ako ganun ka-mature before, pero because of what happened this year mas mature ako. Mas kilala ko na rin 'yung sarili ko. Mas wise ako sa decisions. Mas love ko 'yung sarili ko. Before, I will always say na I love myself, ganito ganyan, pero hindi pala. Kulang pala 'yung sasabihin mo na mahal mo 'yung sarili mo do'n sa ramdam mo talaga na mahal mo 'yung sarili mo,” pagbabahagi ni Barbie.

Dagdag pa niya, na mas nagiging careful na siya sa kanyang pakikipagkaibigan dahil maari kang agad traydorin ng mga ito. Hindi umano niya alam kung kailan siya tatraydurin ng mga itinuturing na closest friends.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo