Cristy Fermin Hiling sa Pasko ang Pagkakatuntun ng pinagmulan ng Sakit ni Kris Aquino!

Lunes, Disyembre 19, 2022

/ by Lovely


Muling napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, ang kasalukuyang kalagayan ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa latest episode ng “Showbiz Now Na!” 

Sa kanilang pag-uusap muling binalikan ni Cristy Fermin ang ginagawang celebrations ni Kris Aquino sa tuwing nagpapasko.

“Bonggang bongga siya talaga kapagka Pasko. She can afford naman kasi at 'yung pera namang ginagastos niya ay pinaghihirapan niya, hindi naman pera ng bayan 'yan.” pag-aalala ni Cristy Fermin.

Labis din daw siyang nalulungkot sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin natutunton ang pinagmulan ng kanyang auto-immune disease. Kasalukuyan na din isinama si Kris sa iba pang pasyente na hindi rin natutukoy kung ano ang pinagmumulan ng sakit.

Hiling din ni Manay Cristy na sana ay ang matanggap na christmas gift ni Kris ay ang pagkakatunton ng pinagmulan ng kanyang sakit.

“Diba ang sarap-sarap na regalo sana ngayong Pasko 'yung natunton na 'yung sakit niya? 'Yung mga allergies niya alam na kung saan nagmumula. Pero hanggang ngayon kasi talagang ang gamutan ay tuloy-tuloy at pinakaepektibong gamot na ang ibinibigay sa kanya. Lahat na po ng paraan na maaaring makapagpagaling sa isang tulad ni Kris, ginagawa na ng mga doktor.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo